Bumilib ang Drill Evaluator na si Randy Cris O. Angus sa ipinakitang perfomance ng lahat ng kalahok. Nagbigay siya ng "excellent" overall rating para ginawang earthquake drill.
Sa muling pagkakataon, nagkaroon ng Earthquake Drill ang Mababang Paaralan ng Leon A. Garcia Sr. sa araw na ito Marso 1, 2012. Lahat ng mga mag-aaral, guro at mga magulang ay nakiisa sa naturang earthquake drill.
Ipinakita ng mga First Aiders ang kanilang husay sa paglapat ng pangunang lunas sa mga sinasabing nasaktan sa drill. Sila ay matiyagang tinuruan ni Mr. John Edward G. Cabreros na siya ding chairman sa pampaaralang programang ito.
Bumilib ang Drill Evaluator na si Randy Cris O. Angus sa ipinakitang perfomance ng lahat ng kalahok. Nagbigay siya ng "excellent" overall rating para ginawang earthquake drill.
Ang earthquake drill ay taunang ginagawa ng mga mag-aaral at guro ng LAGES. Ito ay para mapaghandaan ang anumang lindol o sakuna na maaring idulot nito.