Thursday, July 26, 2012

Mga batang LAGES: malusog dahil sa gulay at prutas


      

Ang mga malulusog na mag-aaral sa ikalawang baitang.

“Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain.”



      Ngayong araw na ito Hulyo 31, 2014, masayang ipinagdiriwang ng Mababang Paaralan ng Leon A. Garcia Sr. ang “Buwan ng Nutrisyon.”
         Bawat klase ay may kanya-kanyang paraan ng pagdiriwang.
Ang mga klase sa unang baitang at kindergarten ay nagkaroon ng “fruits and vegetables display.” Sinabayan din nila ito ng sayawan na nagpapatunay na sila ay malusog at masigla. Ilang magulang ay dumalo din sa pagtitipon upang pagsaluhan ang mga masustansiyang pagkain na kanilang inihanda. 
       Hindi rin nagpahuli ang mga nasa ikalawang baitang. Ang klase ni Gng. Femia Cainila ay naghanda ng mga iba’t ibang pagkain at ito’y pinangkat nila batay sa tatlong pangkat ng pagkain, “Go, Grow and Glow.” Samantalang, ang klase ni Gng. Evelyn B. Sullano ay mayroon ding display at masarap na sandwich na inihanda ng isang ama. At ang ikalawang baiting ni Gng. Djoana Bachinicha ay nagluto ng napakasarap na “Binignit.”
       Kakaiba naman ang mga nasa ikatlong baiting na kung saan maliban sa “fruits and vegetables display’ nila ay ibinida ang masustansiyang itlog bilang kumpletong pagkain.
Namumukod tangi din ang mga nasa ikaapat na baiting na nagsipagluto ng iba’t ibang Filipino vegetable dishes tulad ng “Law-uy”, ginataang monggo at tortang talong. Busog na busog ang mga mag-aaral sa ikaapat na baiting.
         Bibong-bibo naman ang mga nasa ikalimang baiting na kung saan ang mga mag-aaral ni Gng. Beatriz T. Estorgio ang nagpakitang gilas sa pag-awit ng bahay-kubo at sumayaw. Samantala, ang pangkat V-2 naman ay nagkaroon ng poster making contest at napiling magaling sina Trisha Marie Esguerra, Rey Mary Lavador, Louie Sustiguer, Jessica Malana at Ian Mahumot.
        Matamis na matamis din naman ginawang pagdiriwang ng mga nasa ikaanim na baiting dahil sa kanilang “Fruit Salad.” Ang pangkat VI-2 naman ay abala sa stage decoration para sa programa ngayong hapon.
        Ang lahat ng mga paraan ng pagdiriwang ng bawat baitang ay nagpapatunay ng kahalagahan sa malusog na pangangatawan bunga ng pagkain ng masustansiyang prutas at gulay. At dahil ito ang ginagawa ng mga mag-aaral sa Leon, halos lahat sila ay malusog at maliksi. MSE 7/27/12

No comments:

Post a Comment